Aanhin Pa
rosarioko:

Last night: Raimund Marasigan watching Ely Buendia rehearse for Friday’s David Bowie night

rosarioko:

Last night: Raimund Marasigan watching Ely Buendia rehearse for Friday’s David Bowie night

(Source: rosarioko)

El-es-es syet

Aanhin pa ang ganda ng kanta kung sa senado ay di naman makapunta

Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?
Nakinabang ka ba sa ginawang kalsada?
Yan ang tanong namin,
pormal mo bang sasagutin?

Nalaman mo na bang pinag-aralan na nya’t
nilulunod tayo sa kanyang pag-eendorso,
at ang kanyang plano ay magsawa tayo.

Si Villar na ang tunay na mahirap.
Ikaw na rin ang tunay na may malasakit.
Si Villar lang ang may kakayahan
na ang senado ay iwas-iwasan.

Tropang Villar,
ang magtatangol sa kanyang kasalanan.

Patalastas

“Aanhin pa ang gabi, kung wala naman katabi?”

Eh may nakarinig:

“Eh anong silbi ng may katabi kung wala namang nangyayari?”

May humirit:

“Eh ano naman kung may mangyayari kung wala namang nabubuong baby?”

Eh may affected:

“Paano may mabubuong baby kung parehas kayong LALAKI?”

Ang pinakamatindi:

“Aanhin mo ang babae kung mukha namang LALAKI?”

iPhone

Anhin pa ang iPhone kung wala eLoad

Ang sosyal mo naman meron kang iPhone.
Matagal ka kasing nagtipid at nag-ipon.
Yun iba ipinangungutang pa iyon,
makamit lang ang pinapangarap noon.

Ang mamahaling telepono ay kailangan daw nya
upang makatawag at magpadala ng mensahe sa iba.
Ilang beses ng pinilit na ang mensahe ay ipadala.
Ang mamahaling telepono ay wala palang pera.

Tiniis ang gutom makamit ka lang
hindi ko alam na sa load ay matakaw ka’t gahaman.
Gusto mo ata kapuli ko’y ubusan ng laman.
Nang dahil sa iyo ako’y nasaksak pa sa tagiliran.

Pila

Aanhin pa ang pila kung pwede naman sumingit na.

Matagal ka ng nakatayo at naghihintay.
Mga binti mo’y pagod na at ngalay.
Nagbaon ka pa ng inumin at tinapay.
Tapos may bigla na lang sisingit ng walang kamalay-malay.

Patay malisya siya’t di ka nilingon.
Nakakapag-init ng ulo at gusto mong maghamon.
Pero nagtimpi ka at sinabi “ang pila po ay naroon”.
Di raw nya alam yun ang kanyang tugon.

Kung nakalusot dahil hindi sinita,
marahil ngayon ay ang saya-saya nya.
Bakit kasi hindi marunong sumunod sa pila.
Walang ng ibang inisip kundi ang manlamang ng iba.

iginuhit ni Vicente Manansala

Talento

Aanhin ko pa ang talento kung artista ang mga kamag-anak mo /
Aanhin pa ang talento kung may itsura naman ang tao


Gwapo, matipuno at matalino.
Galing kasi sa artistang sikat ang apelyido.
Pero bakit pati pag-arte ay pinipilit mo?
Nagsasayaw, kumakanta wala naman sa tono.

May itsura naman at maganda ang katawan.
Bakit pag-arte ay pinagpipilitan?
Anak kasi ako ng sikat na magulang,
kaya ko ring kumanta at magbirit-biritan.

Kaway dito, ngiti doon ang puhunan nila.
Kapag umiyak naman ay sadyang nakakatawa.
Kapag umarte namanay talagang maiinis ka.
Basta kasi may itsura ay pwede na.

Bibihira na lang ang mga tunay na talentado.
Mga naghirap mag-ensayo makaakyat lang ng entablado.
Mga namaos makahawak lang ng mikropono.
Sila ang dapat parangalan at bigyan ng tropeyo.

Sa mga may-ai ng telebisyon ako’y nananawagan.
Kung kukuha ng artista ay yun naman sanang may karapatan.
Hindi lang sana itsura o ang angkan ang basehan,
nang ang mga tumatangkilik naman ay masiyahan.

pinagmulan ng larawan

Basura

Aannhin pa ang basurahan kung pwede namang itapon kahit saan

Plastik, bote, lata at garapa;
Mga basurang sa estero ay nakabara.
Ilang beses na tayong binigyan ng babala,
hanggang ngayon hindi pa rin tayo nadadala.

Ang kalikasan ay unti-unti ng gumaganti,
at nagpadala ng mga bagyong matitindi.
Mayroon pang tsunami at ang naganap sa Haiti.
Pero ganoon lang, parang walang nangyari.

Basurang itinapon mo ay babalik sa iyo,
ang katagang laging binabanggit ng mga Pilipino.
Ngunit dahil sa ating mga ginagawa sa ating mundo.
Babalik at babalik pa ang mga sakuna at bagyo.

pinagmulan ng larawan

Garahe

Aanhin pa ang garahe kung sa kalsada naman ay pwede.

Magagarang kotse sa kalsada nakatabi.
May Chedeng, Fortuner at Expedition pa pre!
Mga mamahaling sasakyan bakit walang garahe?
Kala siguro basta mahal sa kalsada ay pwede.

Ang jeep, bus at tricycle ay ginawa naman itong terminal.
Di ba nila pansin na ang takbo ng mga sasakyan ay bumabagal?
Daloy na trapiko ay kanilang sinasakal.
Sila lang ang nakinabang sa kalsadang pagkamahal-mahal.

Ano ba naman ang ginagawa, bakit hindi hinuhuli?
Dahil ba may lagay o nakasanayan lang kasi?
Walang garahe pero sa kotse mahal ang bili.
Di baleng kumita kaya sa perwisyo walang paki.

pinagmulan ng larawan

Tawiran

Aanhin pa ang tamang tawiran kung pwede namang tumawid kung saan.

Isang hiwaga na mahirap maunawaan,
isang malaking karatula na pinababayaan.
Sinasabi na ngang walang tawiran,
sa mga sasakyan pa ri’y nakikipag-unahan.

Kung ako ang tatanungin,
sila nama’y may katuwiran din.
Malayo ang lalakarin at mataas ang aakyatin,
upang ang kabila ay marating.

Pero paano kung na-tyempuhan
ng magara at humaharurot na sasakyan.
Sino ngayon ang may kasalan,
ang tsuper o ang tumawid sa kung saan?

nagmamay-ari ng larawan

Isang munang pagbibigay pugay

Sa Aking Mga Kababata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian

At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.